Mga tagasunod

Biyernes, Hulyo 20, 2018

Linya ng "Nakakapagod" at "Pagtakas"

Pag napapagod ka na, siguradong naroon ka sa linya ng "nakakapagod". Nasa loob ka, hindi ka makalabas. Dahil iniisip mo sayang, nariyan ka na sa loob, sa tahimik, sa normal na siklo. Okay ka na diyan. Bakit kailangan mo pang tumawid sa linya ng hindi nakakapagod, sa linya ng "pagtakas"? Baka hindi ka na makabalik sa loob? Baka hindi ka na makaramdam ng parehong pakiramdam?
Samantalang sa labas, ayun, malayo ka sa lahat, malayo sa linya ng "pagtakas", tahimik, bago ang lahat, walang lungkot, walang away, walang responsibilidad, magisa ka. Ngunit baka hanapin mo iyong dating nasa linya ng "nakakapagod".
Minsan ay kailangan mo lang tumayo sa gitna. Sa linyang naghahati, sa linya ng "nakakapagod" at "pagtakas". Duon sa linya na, nakikita mo ang parehong panig. Duon sa linya na, may oras ka sa sarili, may oras kang magisip at may oras kang humugot ng lakas at maging handa ka na. Oras magisip, kung handa ka na...
Kung tatawid ka ba sa linya ng pagtakas na bago ang lahat?
O di kaya'y, babalik ka ba sa linya ng nakakapagod kung saan duon ka na nasanay?

Subyang

Makulimlim na ulap tinatago ang daluyog ng tubig ng langit. Ang bawat alikabok ay tumatakip sa aliguyod ng hangin. Nakatingin ang mga mata...