Ang bawat alikabok ay tumatakip sa aliguyod ng hangin.
Nakatingin ang mga mata, nanunuod, nagmamasid.
Nakatayo, naghihintay, dahan dahan, dahan dahan ang paghinga.
Mayamungmong ngunit pinilit ang katawan maging bahagi ng madla.
Mapaniil ngunit pinilit kong makita.
Lalaking lumalakad, dahan dahan, sugatan, duguan.
Nakahiga, nanginginig, sugatan, duguan.
Sinulid ay nagdugtong sa aking puso, unti-unting bumibigat.
Nakahiga, nanginginig sa pinong sugat, pinong tila hibla.
Dahan-dahang na-ra-ram-da-man ang sugat, unti-unting bu-mi-bi-gat.
Ngunit ako ay tumalikod na isang pananakwil.
Sa aking pagharap, palad ko'y duguan.
Kinitil ko ang lalaki, palad ko ang gumawa.
Sugatan sa putong ng tinik.
Sugatang may balabal sa pagpanhik.
Lumuluha, nanginginig.
Palad ko ang gumawa.
Lumuluha, nanginginig.
Patawad Ama, aking kamay.
Aking kamay Ama, ang nagtudla.