Mga tagasunod

Miyerkules, Hunyo 20, 2018

Bahagi Ka

Bahagi Ka
Sa Panitk ni: Alvin Alonzo

Lumipas ang araw,
ng bagong librong dati'y uhaw,
sa alon ng liwanag,
ng bagong kaalaman.

Nagbunga ng pagkakaisa,
Sinubok, lumipas, ngunit di nagwakas,
At bukas kung saan,
dadalin ng bathalaan.

Ngunit saan nga ba nagbubukal,
ang ala-alang hindi nawalay.
saan nga ba nagsimula?
ang natatanging ala-ala?

Hindi man laging isa ang sapantaha,
Ngunit sa isip at puso,
laging nandito ka.
Patuloy ang duyog ng klase na iisa,

Patuloy ang kaba sa bawat pagtayo,
Patuloy ang ligaya sa bawat pagupo,
Sa pagwutawi ng artikulo,
Bawat tinig ay nasa king puso.

Humayo ka kaibigan,
Tahakin ang nais mong tahakin,
Igipalpal ang pusong maging,
nais marating.

Wala man tayo habambuhay sa iisang kwarto,
Nasa isang bahagi ng puso,
ang ala-ala na
hinding-hindi kailan man
maglalaho.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Subyang

Makulimlim na ulap tinatago ang daluyog ng tubig ng langit. Ang bawat alikabok ay tumatakip sa aliguyod ng hangin. Nakatingin ang mga mata...